gusto kita tanungin, "how true are your laughs?".
pasensya na, sa nakikita ko kase... pareho lang tayo..
nagkukunwari...
kinukubli sa harap ng madla ang lungkot na nadarama.
ang sakit huminga.. nararamdaman ko ang nararamdaman ng iyong puso.
naghahanap ng pagmamahal. naghahanap ng mapagpapartehan ng apoy na tila hindi natutulog.
nais ko sabihin sayo.. pareho lang tayo. malakas lang tumawa pag hindi nag iisa.
gaya mo, alam kong wala ring nakakaalam na kung gaano ka kalakas tumawa, ay ganon din kalakas lumuha ang iyong puso.
:bulletred: :bulletred: :bulletred: :bulletred: :bulletred: :bulletred: :bulletred: